Lahat ay nakatapos na ng pag-inom ng kani-kanilang mainit na kape o lokal na tsokolate,
may pailan-ilan na paunti-unti lang nagwawalis at naglilinis ng kagabing kalat dala ng hangin;
ang iba naman ay abalang-abala sa pag-aasikaso ng kanya kanyang gagawin.
Ngunit, mas marami ang nag-abang sa may kantong labas ng bahay;
Biyernes Santo nga pala ng araw na iyon, Ika-3 ng Abril, 2015;
araw kung saan gugunitain ang naging pagpapakasakit, pagpapahirap, at naging pagpapako sa krus ni Kristo; at para sa ilan ang araw ding iyon ay magiging araw ng kanilang Pag-gunita at Pagpepenitensiya.
Bago 'yon, araw ng Huwebes ng dumating kami upang bumisita narin sa ilang kamag-anak, at lalo na sa Lola namin na kasalukuyang nang bumabalik ang sigla mula sa kanyang naging malubhang sakit. Nandyan rin ang masayang pangungulit ng mga nakababatang pinsan na may tinatanong na
"...kuya, manonood ka ba ng namumusang krus?", "...kuya, nood tayo ng namumusang krus."

*Namumusan, ang kapampangan na salita ng 'namamasan'.
Ilang taon narin naming nakikita ang mga taong nagpepenitensya tuwing Semana Santa;
napapanood at ginagaya noong kami'y bata pa kung saan may dala-dalang kanya-kanyang maliliit na patpat at animo'y pipili sa amin kung sino ang gustong mag-aarte na namamasan ng krus (gamit ang kahit anong makuhang malaking kahoy sa paligid), na may pagtingin na ito ay isang laro-laro at katuwaan lang para sa amin ngunit may mas malalim pa palang ibigsabihin na aming mas naiintindihan habang kami ay lumalaki at nagkaka-alam.
Nasasaksihan narin namin ang ilan naming kamag-anak na nagpasan narin ng krus kung saan ang ilan ay pinagtutulak at pinaghahampas ng mga nag-presintang maging Hudyo, na maaaring kaibigan, kapitbahay, kakilala o kahit kamag-anak sa kanilang penitensya ngunit sa kadalasn ay mas pinipili nalang na huwag magkasakitan; nakita ang mga marka at sugat na kanilang tinamo para sa kanilang hiling hindi lamang para sa kanilang sarili ngunit para narin sa kanilang pamilya. Pati narin ang makita ang mga penitente na susugatan ang kanilang likuran, at pagkatapos ay hahagupitin ang sarili para ito ay mas dumugo, at para narin daw maiwasan ang blood cloth sa balat.
"...kuya, parang hindi gaanong marami ang mga namusan ng krus ngayon, noh?" tanong ng pinsan kong nakababata, "...saka bakit ba nila ginagawa yan?" pahabol nya habang pinanonood namin ang mga penintente na nakadapa sa mainit na aspalto sa harap ng simbahan habang sila ay nagdadasal;
inisip ko sanang sagutin ngunit may alinlangan din ako sa kung ano ang sasabihin ko, kaya hinayaan ko nalang blanko ang aming pag-uusap, maiintindihan niya rin, at pati rin ako, sa pagtagal.

Nang hapon din ng araw na iyon habang nagpapalamig muna mula sa naging kainitan ng tanghali, mas pinaliwanag ng aking tito, na nakakatanda sa aking tatay, sa mga nakababata kong pinsan:
"...na taun-taon isa itong pag-gunita sa naging pagpapakasakit at paghihirap ni Kristo, para mahugasan ang ating naging kasalanan. Na naging isang parte narin ng kulturang Pilipino na patuloy-tuloy na napapasa sa susunod na henerasyon [...] yung mga namumusan ng krus may mga hiling din sila para sa ika-lulusog, ika-giginhawa, at pati narin ng ika-bubuti ng kanilang mga anak, asawa, magulang, pamilya, o kung sino pang mga mahal sa buhay. Tulad ng ginawa Niya!..."
Sabay pahabol ng kanyang biro, "...paabot ng Coke, nauhaw ako sa pagkwe-kwento at pagtuturo."
While on the walk, going to the nearest Church. |
No comments:
Post a Comment