Saturday, January 17, 2015

Nang Tunghayan Ko Ang Kanilang Panata.

Umagang balot ng pagtatarik kung uulan nga ba o may tirik na araw dahil sa hindi maintindihang pagsasalinsalin ng panahon. Ingay ng Maynila ay agad nang salubong sa iyo dahil mas maaga palang ay gising na sila, dahil sa ang Pista ng Itim na Nazareno ay nga’un.

Buti na lang ay hindi dumog ngayon ang hanging mula sa mga sasakyang pabrika, at may pagkapalitan naman ng buga ng sigarilyo ng ilang nagka’inipan. 
Lahat ay balot ng pagiging okupado, may ilang grupong nagpupulong na sa kung papaano nila ipasasampa ang bago at mas bata nilang kapatid sa paghawak man ng tali, pagsampa ng punas sa poon, o sa pag-bulong sa krus – para sa kanyang dalangin, hiling, at dasal.


Grupo dito, barkada doon,
pamilya riyan, at mga kapatid kung saan;
Kapatid lahat para sa pistang ito, ‘yan ang tawagan saan ka man kung saan;
Sa mata mo’y hindi lang kulay ng mga paninda at pintura ng establisimentong kupas ang nakikita.
At kung pagmamasdan nga ay Pista rin ito ng mga :
itim, dilaw, pula, at ang malapit sa kulay lila, ang maron.
At mga puti na kulay ng tuwalyang pag-dumaan ang karo’y nagkakaroon ng dagat ng wagay-way-an.
“Viva Señor!” sigaw ng lahat, sabay sa pag-abante ng agos, init ng tao umaalingaw at ramdam mo.

Kapit-bisig, braso sa brasong pina-singkil para sa mas matibay at hindi pagkakahiwalay. 
at pag-sigurado na-may ilang kilometro na lang ang layo mula sa kinakatayuan nila; O mapapansin na ang mailan-ilang banderas ng iba't-ibang grupo ng deboto mula sa iba-ibang chapter at lugar,
para mas lalong matanaw ang paparating nang pag-uusig nila.
Mga debotong abang-abang na, sinisilip kung nasaan na ang tali, mapa-babae, mapa-dalaga, mapa-matanda, pati na ang ilang kabataan na nakayapak, mga paa na balot ng dumi at putik ng itim -- hindi kulay kayumangging putik, kundi isang mukang may halo ng metal at nakayod na aspalto ng kalsada, alagabok ng hangin at dumi ng urbanisasyon gawang tao din.

“Viva Señor!” patuloy na sigaw ng lahat, habang humihiling para sa Kanyang himala, pansinin ang kanilang daing. Kasabay ang agos ng mga debotong naka-hawak sa tali, sabay-sabay umaabante kahit siksik-an at may kainit-an na ang mga singaw ng katawan, para lamang matapos ang usig na kanilang pinaghandaan pati ang panatang kanilang pinanghawakan.

“Viva Señor!” habang ang mga tuwalya'y patuloy na nagwawagay-way-an.







No comments:

Post a Comment