Saturday, January 17, 2015

Nang Tunghayan Ko Ang Kanilang Panata.

Umagang balot ng pagtatarik kung uulan nga ba o may tirik na araw dahil sa hindi maintindihang pagsasalinsalin ng panahon. Ingay ng Maynila ay agad nang salubong sa iyo dahil mas maaga palang ay gising na sila, dahil sa ang Pista ng Itim na Nazareno ay nga’un.

Buti na lang ay hindi dumog ngayon ang hanging mula sa mga sasakyang pabrika, at may pagkapalitan naman ng buga ng sigarilyo ng ilang nagka’inipan. 
Lahat ay balot ng pagiging okupado, may ilang grupong nagpupulong na sa kung papaano nila ipasasampa ang bago at mas bata nilang kapatid sa paghawak man ng tali, pagsampa ng punas sa poon, o sa pag-bulong sa krus – para sa kanyang dalangin, hiling, at dasal.